Senado binu-bullly na umano ng Kamara sa isyu ng Chacha

Tinawag na pambu bully ni Senador Sonny Angara ang araw araw na pagbanat sa kanila ng mga Kongresista.

Ayon kay Angara, sa halip na magtrabaho, araw araw na nagpapa presscon ang mga Kongresista at binabatikos ang mga Senador dahil lang sa hindi pagkakaintindihan sa Charter change.

Isa sa tinukoy ni Angara ang pahayag ni House Majority Leader Mannix Dalipe na magsalita na ang mga Senador kung pabor ba o kontra sa Chacha.

Ang ginagawa aniya ng mga Kongresista ay walang itong ipinagkaiba sa eskwelahan na kahit saan pumunta ay sinusundan ng mga bully .

Apila ni Angara, ceasefire at magtrabaho na.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *