Senado pabor sa pagsuspinde sa abrogation ng VFA

Suportado ng liderato ng Senado ang pahayag ng Malacañang na muling suspindihin ang pagterminate sa RP US Visiting Forces Agreement.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto,magandang pagkakataon ito para marepaso at masuring muli ang defense relationship ng pilipinas sa Estados Unidos.

Bagamat nagpadala na ang gobyerno ng Notice of Termination sa Amerika, ipinasuspinde ito ng pangulo dahil sa COVID-19 pandemic.

Nauna nang sinabi ni Presidential Spokesman Harry roque na may opsyon ang pangulo na palawigin ng anim na buwan ang termination ng ng VFA.

Meanne Corvera

Please follow and like us: