Senado , patuloy na tumatanggap ng COC’s

Tuloy ang pagtanggap ng Senado ng mga Certificate of Canvass at Election Returns para sa canvassing ng Presidential at Vice presidential elections.

Hanggang kaninang umaga, umabot na sa 128 na mga printed COC ang natanggap ng Senado.

Katumbas ito ng 73.99 percent ng may 173 na mga COC na kailangang bilangin ng National Board of Canvassers .

Pinakahuling nai transmit sa Senado ang mga COC mula sa Quezon province, Lapu lapu city, Isabela, Mountain province, Davao del norte, General Santos, Sultan Kudarat at North Cotabato.

Nasa Senado na rin ang kopya ng COC mula sa isinagawang Overseas Absentee Voting sa India, Lebanon at Italy.

Sa susunod na Linggo itinakda ang pagbilang ng boto ng NBOC.

Meanne Corvera

Please follow and like us: