Senador Antonio Trillanes IV hinamon ng Malakanyang na huwag magtago sa parliamentary immunity sa pag-aakusa kay Pangulong Duterte

Hinamon ng Malakanyang si Senador Antonio Trillanes IV na gawin ang kanyang akusasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte sa labas ng plenaryo ng Senado.

Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo na malakas ang loob ni Senador Trillanes na mag-akusa sa Pangulo dahil nagtatago siya sa kanyang parliamentary immunity.

Ayon kay Panelo pawang kasinungalingan ang ipinaparatang ni Trillanes laban sa pangulo.

Inihayag ni Panelo na maging ang bagong pasabog ni Trillanes na nagbayad ng sampung milyong piso ang pangulo sa isang Snooky Cruz para sa bank records ng senador ay malabo dahil ang Presidente ay malawak ang kanyang intelligence source kaya hindi na kailangang gumastos pa para sa isang inpormasyon.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *