Senador Antonio Trillanes walang account sa Development Bank of Singapore taliwas sa alegasyon ni Pangulong Duterte

Walang bank account si Senador Antonio Trillanes sa Development Bank of Singapore taliwas sa alegasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Bitbit ang kaniyang pasaporte at Senate id, personal na nagtungo

si Trillanes sa DBS Branch sa Alexandra Road sa Singapore para

alamin ang detalye ng kaniyang umano’y bank account na may number

178000296012.

Humingi rin ito ng certification sa bangko pero ayon sa manager, hindi sila maaring mag-isyu ng dokumento dahil hindi naman kliyente ng bangko si Trillanes.

Kinumpirma ng bangko na walang account doon si Trillanes na nagkakahalaga umano ng 193,000 thousand dollars.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *