Senador Chiz , nanumpa na bilang bagong SP

Nanumpa na si  Senador Francis Escudero bilang bagong Senate president .

Si Senador Alan Peter Cayetano ang naghain ng mosyon para maitalaga si Escudero .

Labing-apat na Senador ang bumoto pabor kay Escudero kabilang na ang mga kapartido sa Nationalist Peoples Coalition na sina Senador Grace Poe, mag- inang sina Senador Cynthia Villar  at Mark Villar, magkapatid na sina Alan Peter at Pia Cayetano, Senador Win Gatchalian, Jinggoy Estrada, Francis Tolentino, Bong Go, Bong Revilla at Lito Lapid.

Si Senador Mark Villar bilang pinakabatang Senador ang nagpanumpa kay Escudero na sinaksihan ng kaniyang maybahay na si Heart Evangelista.

Apila ni Escudero sa mga kapwa mambabatas, magkaisa para sa mga kapwa pilipino

Bukod kay Escudero, Naitalaga si Senador Jinggoy Estrada bilang bagong Senate president pro tempore habang si Senador Francis Tolentino ay bilang Chairman ng Senate Committee on Rules at Majority Floor Leader.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *