Senador dela Rosa: “dapat huwag kaawaan ang mga kriminal”

“Show no mercy to criminals takutin natin sila para hindi na makagawa ng kalokohan “.

Ito ang hamon ni Senador Ronald bato dela Rosa sa mga tauhan ng pambansang pulisya sa harap ng tumataas na kaso ng kriminalidad sa bansa.

Nababahala rin si dela Rosa sa mga report sa mga kaso ng pagdukot lalo na sa mga kabataang babae.

Dismayado ang Senador dahil sa halip na maging agresibo tila naging matamlay ang kampanya ng mga pulis laban sa kriminalidad.

Babala nIya kung hindi magiging matigas at agresibo ang PNP hindi malayong magsamantala ang mga kriminal lalo ngayong papalapit ang Disyembre.

Bilang Chairman ng Committee on Public Order sinabi ni dela Rosa na magtatakda na sila ng pagdinig sa mga iniulat na kaso ng kidnapping para mapanagot ang nasa likod ng mga krimen.

Meanne Corvera

Please follow and like us: