Senador Go sa mga mambabatas : Isantabi ang bangayan ; mga personal na ambisyon sa isyu ng Speakership

Umapila si Senador Christopher Bong Go sa mga kongresista na isantabi muna pagkakaiba sa isyu ng pulitika at mga personal na ambisyon  sa isyu ng speakership.

Sa harap ito ng nangyaring pagpapalit sa liderato ng kamara na ginawa sa labas ng Batasan complex.

Kahit naihalal na si Marinduque Congressman Alan Velasco, nagbanta naman si House Speaker Alan Peter Cayetano na hindi siya papayag na magiba ang Kamara at tinawag na fake session ang ginawa ng mga supporters ni velasco.

Dahil dito sinabi ni Go, hindi sya nakikialam sa anumang bangayan sa Kamara pero sana raw ay unahin muna ng mga mambabatas ang interes ng publiko at pagtibayin na ang panukalang 2021 budget.

Iginiit ng senador na dapat sa unang araw ng enero may pondo na para sa pangangailangan ng bansa kasama na ang budget panlaban sa nararanasang Covid-19 Pandemic .

Meanne Corvera

Please follow and like us: