Senador Leila De Lima, dapat ng mailipat sa ordinaryong kulungan – House Speaker Pantaleon Alvarez

Kinuwestyon ni House Speaker Pantaleon Alvarez kung bakit nanatili parin si Senador Leila de Lima sa PNP custodial center sa loob ng Kampo Krame.

Ito ay dahil ibinasura na ng Korte Suprema ang petisyon ni de Lima na kumukwestyon sa warrant of arrest laban sa kanya.

Dahil dito, iginiit ni Alvarez na dapat mailipat na si de Lima sa ordinaryong kulungan.

Sinabi ni Alvarez na tama lang ang naging desisyon ng kataas-taasang hukuman.

Pero si Akbayan Representative Tom Villarin naman ay dismayado sa pagkakabasura ng petisyon ni de Lima.

Nangangamba si Villarin na ang desisyon ng Supreme Court ay nagbubukas sa posibilidad ng pag-abuso ng mga nasa kapangyarihan para gamitin ang legal system laban sa mga kritiko nito.

Ulat ni Madelyn Villar Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *