Senador Manny Pacquiao, hinimok na magretiro na sa boksing

Hinikayat ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang kaibigang si Senador Manny Pacquiao na magretiro na sa boksing habang ito ay tinitingala pa sa nasabing larangan.

Ang payo kay Pacquiao ay idinaan ni Lacson sa post sa kanyang twitter account kasunod ng pagkatalo ni dating four-weight world champion Nonito Donaire kay Carl Frampton.

Ikinalungkot ni Lacson ang nabanggit na pagkatalo ni Donaire.

Si Pacquiao naman ay nakatakdang lumaban kay WBA welterweight champion Lucas Matthysse sa Malaysia sa July 15.

Pero ayon kay Lacson, ipinapanalangin niya ang kabigan at kasamahan sa Senado na si Pacquiao na magpasyang lisanin na ang entablado ng boksing habang ito ay pinapalakpakan pa ng publiko.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *