Senador Panfilo Lacson sinampahan na ng Ethics complaint ni Captain Faeldon

Sinampahan na ng Ethics complaint ni Captain Nicanor Faeldon si Senador Panfilo Lacson matapos siyang akusahang tumanggap umano ng isandaang milyong pisong welcome gift sa Bureau of Customs.

Sa kaniyang labinlimang pahinang reklamo, iginiit ni Faeldon na pawang mga kasinungalingan lang ang alegasyon ni Lacson.

Naghain siya ng reklamo dahil ito lang ang paraan para kwestyunin ang conduct at papanagutin ang isang Senador.

Paglabag sa Constitutional rights pag-abuso sa kaniyang right and privilege at serious misconduct ang mga reklamong inihain ni Faeldon matapos siyang akusahang tumanggap ng regalo at tara.

Si Faeldon ay kasalukuyang nasa kustodiya ngayon ng Senate Sgt at Arms dahil sa patanggi na makipagtulungan sa imbestigasyon ng Senado.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *