Senate Blue Ribbon Committee babalangkas na ng report sa Sugar fiasco

Tatapusin na ng Senado ang imbestigasyon nito sa Sugar fiasco.

Ayon kay Senador Francis Tolentino, Chairman ng Blue Ribbon magpapatawag pa ang komite ng isa pang pagdinig sa susunod na linggo at pagkatapos nito babalangkas na ng committee report.

Tiniyak ni Tolentino na may mapapanagot kahit pa hindi natuloy ang importasyon.

Pero tumanggi muna siyang idetalye kung sino-sino ang maaaring papanagutin sa batas.

Pero si Senador Koko Pimentel tutol sa hakbang.

Hindi aniya maaaring tapusin at isara ang imbestigasyon hanggat hindi nako cross examine si Executive Secretary Vic Rodriguez sa kaniyang naunang mga testimonya.

Karapatan aniya ito ng mga miyembro ng komite at bilang pagiging patas lalo na sa mga personalidad na nabanggit sa kaniyang testimonya.

Kung masasagot ni Rodriguez ang mga tanong ng mga Senador maaari nang gumawa ng final recommendation ang Senado.

Meanne Corvera

Please follow and like us: