Senator Manny Pacquio, nanumpa bilang bagong Party President ng PDP laban

Nanumpa na si Senador Manny Pacquaio bilang bagong pangulo ng partido ni Pangulong Duterte na PDP laban.

Si Pacquaio ang pumalit kay Senador Aquilino Koko Pimentel na naitalaga naman bilang bagong Executive Vice Chairman ng partido.

Ginawa ang panunumpa ng mga bagong lider ng PDP laban sa isang pagtitipon ng partido sa Bataan.

Ayon kay Ron Munsayac, Executive Director ng partido , si Pacquaio ang napili na manguna dahil sa kaniyang mga modernong ideya at mayroon itong mas mahabang panahon at enerhiya lalo na sa kanilang paghahanda kung sino ang isasabak sa 2022 National Elections.

Isusulong pa rin aniya ng partido ang kanilang laban kontra sa katiwalian sa mga sangay ng pamahalaan , kapakanan ng mahihirap at matiyak na ito ang mananatiling Dominant party sa 2022.

Samantala nanumpa rin bilang Executive Vice President ng partido si House Speaker Lord Alan Velasco.

Meanne Corvera

Please follow and like us: