Senior citizens na wala pang anti COVID-19 vaccine nasa 1.5 million pa – Malakanyang

Tinatayang nasa 1.5 milyon pang mga senior citizens ang wala pang bakuna laban sa COVID-19.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles batay sa report ng National Task Force o NTF.

Dahil dito umapela si Nograles sa mga seniors na wala pang anti COVID 19 vaccine na magpabakuna na dahil sa banta ng Omicron variant na pinaniniwalaang kumakalat na sa bansa.

Sinabi ni Nograles na karamihan sa mga na-oospital na tinamaan ng COVID-19 ay pawang wala pang bakuna.

Ayon kay Nograles sapat na ang supply ng bakuna sa bansa kaya mabuting magpabakuna na ang mga hindi pa nababakunahan upang mayroong panlaban sa patuloy na paglaganap ng COVID-19.

Vic Somintac

Please follow and like us: