Shooting Incident ,naganap sa Manila City Hall

Isang shooting incident ang naganap sa Manila City Hall kung saan naroon ang Manila Regional Trial Court.

Batay sa report ng Manila Police District, ang biktima ng pamamaril ay si Manila RTC branch 45 judge Ma. Theresa Abadilla, 44 anyos.

Habang ang suspek naman sa pamamaril ay ang mismong chief of clerk of court nito na si Atty. Amador Rebato, 42 anyos.

Nangyari ang insidente sa loob ng opisina ng biktima kung saan nakarinig na lamang umano ang mga tao sa labas ng putok ng baril.

Ayon sa mga saksi nasa loob umano ng opisina ni judge ang dalawa at nakarinig nalang sila ng putok ng baril.

Nagawa pang maisugod ng mga rumespondeng pulis ang biktima sa Manila Medical Center.

Pero ayon kay MPD Smart Chief. Major Jun Ibay, idineklara ring dead on arrival ang biktima pagdating sa ospital.

Matapos ang pamamaril sinasabing nagbaril naman umano sa sarili ang suspek na dead on the spot naman ayon sa pulisya.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pangyayari at dahilan ng krimen na ito.

Madz Moratillo

Please follow and like us: