Social pension ng senior citizens sa 3 barangay sa Navotas City, ibinigay na

Courtesy: Navotas PIO

Naibigay na sa mga senior citizen mula sa mga barangay ng NBBS Proper, Dagat-dagatan, at Kaunlaran ang kanilang social pension mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Ang social pension program ay para sa mga nakatatanda na walang buwanang pensiyon at walang permanenteng pinagkukunan ng kabuhayan, o kaya naman ay hindi nakatatanggap ng tulong pinansiyal mula sa kanilang pamilya.

Courtesy: Navotas PIO

Ang aktibidad ay isinagawa sa Navotas Sports Complex.

Nagpasalamat naman ang mga benepisyaryo ng nabanggit na programa.

Aldrin Puno

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *