SONA message ni Pangulong Duterte may dalawang bersiyon ayon sa Malakanyang

Kinumpirma ng Malakanyang na mayroong dalawang bersiyon ang magiging SONA message ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes July 24.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella dalawang bersiyon ang nakahandang SONA message ng Pangulo isang mahaba at isang maikli lamang.

Ayon kay Abella ugali ng Pangulo na hindi ito napatatali sa written speech kundi laging mayroong adlib na mula sa kanyang personal na pananaw sa mga isyu hinggil sa tunay na kalagayan ng bansa.

Inihayag ni Abella na ang SONA message ng Pangulo ay hindi lamang nakasentro sa mga technical report kundi kung ano ang reyalidad sa bansa na nais baguhin ng Pangulo.

Niliwag ni Abella na ang buod ng SONA ng Pangulo ay sensible, solid at forward looking para sa ikabubuti ng bansa sa hinaharap.

Ulat ni: Vic Somintac

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *