Song-Song couple, ikakasal na

Inanunsiyo na ang pag-iisang dibdib ng dalawang korean superstar na sina Song Hye Kyo at Song Joong Ki.

Ang pag-anunsiyo ay ginawa ng Blossom Entertainment at United Artists Agency na kapwa kumpanyang may hawak sa dalawa.

Una nang napabalita abng pagkakaroon ng relasyon ng dalawa kasabay ng pamamayagpag sa ratings ng Korean Drama na Descendants of the Sun na pinagbidahan nila.

Itinakda ang petsa ng kasal sa Oktubre 31, 2017.

Samantala, agad namang itinaggi ng mga ahensiya na buntis si Song Hye-kyo, dahilan ng agad na pagpapakasal ng dalawa.

Ulat ni: Charo Gregorio

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *