Southbound portion ng Roxas Blvd-Libertad, bukas na muli sa mga motorista

Maaari na muling madaanan ang Southbound portion ng Roxas Boulevard malapit sa Libertad Pumping Station sa Pasay City.

Magugunitang pansamantalang isinara ang nasabing kalsada para sa ilang rehabilitasyon.

Pero nilinaw ni DPWH National Capital Region (DPWH-NCR) Director Nomer Abel P. Canlas na accessible na sa lahat ng sasakyan ang kalsada maliban sa mga truck.

Ang completion ng 54.9 linear meter replacement ng lumang Libertad box culvert at drainage main structure ay layong magkaroon ng mas ligtas at maginhawang daloy ng mga sasakyan at paghahatid ng mga serbisyo.

Samantala, ang bagong drainage main box culvert ay magdudulot ng mas episyenteng pagdaloy ng tubig sa Libertad Pumping station at mapipigilan ang pagbaha sa Pasay city at mga kalapit na lugar sa Makati city.

Please follow and like us: