SP Zubiri bababa sa pwesto kung may 13 Senador na susuporta sa ouster plot laban sa kanya

Handang bumaba sa pwesto si Senate President Juan Miguel Zubiri.

Ito’y kung totoong may black propaganda laban sa kaniya na nagsusulong na mapatalsik siya sa pwesto.

Ayon kay Zubiri, aalis siya bilang Senate President kung susuportahan ng majority o labingtatlong Senador ang anumang destabilisasyon laban sa kanya.

Hindi niya raw alam kung saan nanggaling ang ouster plot laban sa kanya pero normal aniya itong nangyayari sa mga nagiging lider ng Senado.

Sinabi ni Zubiri may nakuha siyang impormasyon na isa sa pinag-uugatan ng isyu ang pagtutol niya sa isinusulong na amyenda sa saligang batas.

Pero hindi aniya ito prayoridad ngayon ng Senado.

Dadaan aniya sa butas ng karayom ang isyu ng ChaCha dahil  kapag ipinasa ang panukala lilikha lang ito ng pagkakawatak watak ng mga Pilipino.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *