Speaker Romualdez at Rep. GMA nagkasundo na

Hindi lang kumamay kundi nag-mano pa si House Speaker Martin Romualdez kay dating Pangulo at Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo.

Nangyari ito sa session nitong Lunes, May 22, ang unang pagkakataon na nagkaharap ang dalawang mambabatas matapos ang ugong ng destabilisasyon noong nakaraang linggo sa liderato ng Kamara.

Sa harap ito ng demotion kay Cong. Arroyo bilang Senior Deputy Speaker na pinalitan ni Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr.

Bago ang oath-taking ni Gonzales, magkasabay silang lumapit ni Speaker Romualdez kay Arroyo na naka-upo sa kaniyang pwesto katabi ang dalawang lady solon.

Agad na kumamay at nagmano si Romualdez kay Arroyo habang nakamasid naman ang mga kasamahang Kongresista.

Personal ding sinundo ni Gonzales si Arroyo at inanyayahang sumama sa rostrum para sa kaniyang panunumpa.

Pagkatapos ng oath-taking ay kapwa itinaas nina Romualdez at Gonzales ang kamay ni Gng. Arroyo.

Umaasa naman ang marami na ang nangyaring “kiss and make-up” nina Arroyo at Romualdez ay magpapahupa na sa mga alingasngas ng paghihiwalay ng landas at init ng pulitika sa Kamara de Representante.

Weng dela Fuente

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *