Spokesperson Harry Roque, umaasang magbabago pa ang isip ni Davao city Mayor Sarah Duterte

Hangga’t hindi natatapos ang deadline sa paghahain ng Certificate of Candidacy, umaasa pa rin si Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na magbabago ang isip ni Davao City Mayor Sarah Duterte para kumandidato sa pagka-Pangulo ng bansa sa 2022 elections.

Bukas, October 8, ang huling araw na itinakda ng Commission on Elections sa paghahain ng COC ng mga kakandidato sa halalan sa 2022.

Sinabi ni Roque kasama ng mga tagasuporta ni Mayor Sarah ay nananalangin na magbabago pa ang isip ng alkalde para kumandidato sa pagka-Pangulo kapalit ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Roque nakabitin din ang kaniyang COC sa pagkandidato sa pagka-Senador dahil nangako siyang sa ticket lamang ni Mayor Sarah siya tatakbo sa Senatorial race.

Inihayag ni Roque bagamat naghain na ng COC si Mayor Sarah para sa kanyang re-election bid sa pagka-alkalde ng Davao City, maaari pa rin itong bawiin sa huling sandali.

Vic Somintac

Please follow and like us: