SRP sa bigas, ipapatupad sa huling linggo ng Oktubre – DA

 

Magpapatupad ang gobyerno ng suggested retail price sa bigas, sa huling linggo ng Oktubre.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, ito ang napagkasunduan nila ng mga Trader, Miller, at ilang  kinatawan ng mga magsasaka, sa kanilang pag-uusap noong nakaraang linggo.

Batay sa kanilang inisyal na napag-usapan, ibibenta ng 39 piso kada kilo ang Regular milled rice, 42 piso kada kilo ang Well milled, at 44 piso naman kada kilo ang long grains rice.

Maglalagay din aniya sila ng mga karatula, na magsasabi kung local o imported ang mga bigas na ibinibenta sa mga palengke.

 

==========

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *