SSS Pension sa unang linggo ng Marso, maaaring maantala

Inanunsyo ng Social Security System o SSS na ilan sa mga pensiyonado nito ang maaaring makaranas ng pagkaantala sa pagtanggap ng kanilang buwanang pensiyon ngayong Marso.

Ito ay dulot ng pagsasa-ayos sa E-Disbursement system ng ahensya na naging dahilan ng pagkaantala ng paglalabas ng pondo sa mga bangko.

Gayunpaman, tinitiyak ng SSS sa mga pensiyonado na maaaring maapektuhan na matatanggap nila ang kanilang buwanang pensiyon simula Marso 6.

Humihingi rin ng pang-unawa ang pension fund sa naidulot na abala ng system enhancements na layuning makapagbigay ng mas maayos na serbisyo.

 

==============

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *