Sunog sa Caloocan at Pasig City kagabi, naitala

Magkakasunod na sunog ang naganap kagabi sa Caloocan at Pasig City.

Isang apartment building sa Barangay 159, Bayanihan St., Baesa ang tinupok ng apoy sa Caloocan City.

Nagsimula ang sunog 11:18 kagabi na umabot lamang sa unang alarma.

Ang apartment na pagmamay-ari umano ng isang Arlyn Sandaya ay may tatlong units na pawang okupado ng tatlong pamilya.

Ayon kay Senior Inspector Christopher Pila ng Caloocan BFP, pawang gawa sa light materials ang bahay pero mabuti na lamang at may firewall at semento ang iba pang bahay kaya naiwasang kumalat ang sunog.

Aabot sa 150,000 piso ang halaga ng mga natupok na ari-arian.

Wala namang naitalang nasugatan o namatay sa sunog.

Samantala, sumiklab din ang sunog sa isang warehouse sa Pasig City.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na tumupok sa warehouse ng PKSS Enterprise Inc. sa M. Concepcion, Barangay Buting.
Mga furnitures ang laman ng nasabing warehouse na pagmamay ari ng isang Clarita Tantuco.
Ayon sa mga factory worker sa katabing warehouse, may narinig na dalawang pagsabog pasado 9:00 kagabi mula sa nasunog na gusali.
Walang namang tao sa loob at pinapatay din ang main circuit breaker tuwing nag-uuwian ang mga empleyado kaya nagtataka sila kung saan nanggaling ang pagsabog at ang apoy.
Patuloy ang imbestigasyon ng BFP sa nangyaring sunog.
Ulat ni Paolo Macahilas
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *