Suplay ng kuryente sa Leyte hindi pa naibabalik – NGCP

Hindi pa rin naibabalik ang suplay ng kuryente sa maraming lugar sa Visayas bunsod ng lindol na naganap sa Leyte.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines hindi nila natapos ang testing sa kanilang substation sa Ormoc kahapon.

Ito ay dahil sa malakas na buhos ng ulan sa lugar.

Tiniyak naman ng NGCP na agad itutuloy ang testing sa sandaling maging maganda na ang lagay ng panahon ngayong araw.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *