Suplay ng kuryente sa mga lalawigang dinaanan ng bagyong Odette hindi pa naibabalik-NGCP

Hindi pa naibabalik ang suplay ng kuryente sa mga lalawigang dinaanan ng Bagyong Odette.

Ayon kay Atty. Cynthia Alabanza , ang tagapagsalita ng National Grid Corporation of the Philippines, hindi nila inaasahan ang lakas ng bagyo.

Katunayan labindalawang tower at animnaraang mga steel poles ang bumagsak dahil sa bagyo lalo na sa Cebu, Bohol at Leyte.

Sa ngayon ay hindi pa aniya sila makapagbigay ng datos kung kailan maaaring maibalik ang 100 percent na transmission lines lalo na sa Visayas regions dahil inter connected ang mga isla.

Sa Mindanao naman narestore na ang mga transmission lines pero matatagalan pa sa Surigao del Norte at Surigao del Sur kasama na ang Siargao dahil napuruhan ito nang nagdaang bagyo.

Inihayag ni Alabanza na , minamadali naman ang pagbabalik ng kuryente sa mga siyudad lalo na sa mga ospital at health facilities para hindi masayang ang mga bakuna laban sa COVID-19.

Katunayan aniya marami silang nakadeploy na mga line personnel , trucks at helicopter na nagsasagawa ng mga aerial inspection.

Ang Manila electric company , nagpadala na rin ng limampung engineers at mga linemen sa Cebu para tumulong sa restoration ng kuryente.

Meanne Corvera

Please follow and like us: