Suporta at panalangin ng sambayanan para kay Pangulong Duterte hiniling ni Communications Secretary Andanar

download
courtesy of wikipedia.org

Humingi ng suporta at panalangin si Communications Secretary Martin Andanar sa sambayanang Pilipino kasunod ng banta ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Binigyang-diin ng PCO Chief na nangangailangan ngayon ng tulong at suporta ang Pangulo mula sa taumbayan.

Sinabi pa ni Andanar na sa loob ng isang taon ay napakaraming naipatupad na institutional reforms ni Pangulong Duterte hindi lamang sa PCOO kundi sa lahat ng departamento ng gobyerno.

Dahil dito, hindi maiiwasan na gumanti ang napakaraming kalaban ng gobyerno kaya’t ito aniya ang tamang panahon para suportahan at ipanalangin ang kaligtasan ng Pangulo.

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *