Surveillance Testing sa crowded areas sa Davao City, inilunsad

Mas pinaigting at pinalawak pa ng Davao city Local Government ang Surveillance Testing at Contact tracing sa mga matataong lugar gaya sa mga palengke.

Ayon sa Davao city LGU, ito ay upang maiwasan ang paglobo ng kaso ng virus infection sa lunsod.

Mula nang inilunsad ang programang ito ng Davao City noong Marso ay umaabot na sa 4,557 indibidwal ang naisailalim sa RT-PCR test kung saan 57 ang nagpositibo sa virus.

Noong nakaraang Biyernes at umabot sa 400 mga sidewalk vendor sa San Pedro St. at Magsaysay Ave. ang isinailalim sa swab test ngunit wala namang naitalang nagpositibo.

Noreen Ygonia, EBC Correspondent

Please follow and like us: