Suspek sa vaccine slot for sale, sumuko na

Sumuko na kina MMDA Chairman Benhur Abalos at asawa nitong si Mayor Menchie Abalos ang umano’y nasa likod ng COVID vaccine slot for sale.

Boluntaryong sumuko si Cyle Bonifacio na sinasabing nag-aalok ng slot ng bakuna laban sa COVID- 19 sa pamamagitan ng kaniyang social media account sa halagang sampu hanggang labinlimang libong piso.

Itinanggi ni Bonifacio na nagbenta sya ng bakuna at lumutang para matapos na ang isyu.

Wala rin daw syang koneksyon sa sinumang local government official kaya imposible syang makapagbenta ng bakuna.

Pero lumilitaw na ang tatay ni bonifacio ay isang baranggay kagawad sa mandaluyong.

Si bonifacio ay nai turn over na sa Mandaluyong city police at pinag -aaralan na ang mga kasong bribery at paglabag sa bayanihan law na isasampa laban sa kanya.

Meanne Corvera

Please follow and like us: