Swab Drive-thru sa mga driver ng Transport vehicles sa Davao City, simula na ngayong araw

Simula na ngayong araw ang 12 – day swab drive -thru program para sa mga driver ng Public Transport vehicles at delivery services sa Davao City.

Alinsunod ito sa ipinalabas na Executive Order ni Mayor Sara Duterte at gagawin ang libreng swab testing sa Davao Crocodile Park mula April 26- hanggang May 8, alas-8:30 hanggang alas 11:30 ng umaga.

Ang mga makakapag-avail ay taxi, van, jeepney, habal-habal,motorcycle, tricycle, bus drivers at nasa food at online delivery services.

Samantala, ang mga nasabing driver ay hindi na kinakailangan pang i-quarantine habang naghihintay ng kanilang test results.

Julie Fernando

Please follow and like us: