“Taguig Bakuna Nights” pormal nang binuksan sa Taguig City

Para sa ligtas, mabilis at accessible vaccination sa Taguig City, inilunsad sa lungsod ang “ Taguig Bakuna Nights”.

Ang nasabing vaccination extended hours ay para ma-accomodate ang mga worker na hindi makapunta sa vaccination sites sa oras ng kanilang trabaho.

Ayon kay Mayor Lino Cayetano, ang high street vaccination hub ay magiging bukas  simula alas 6:00 ng gabi  hanggang alas 12 ng hatinggabi.

 Bukod dito, plano rin ng lungsod na buksan na rin ito nang 24 oras  para naman sa  mga kabilang sa A4  category kasama na ang mga nasa entertainment industry, restobar owners at workers at ang lahat ng economic drivers ng lungsod.

Samantala, magkakaroon din ng live perpormances gabi-gabi  ng  mga local artist at performers bilang suporta para sa informal entertainment sector na lubhang naapektuhan din ng Covid-19 pandemic.

Virnalyn Amado/ Archie Amado

Please follow and like us: