Tamang pasahod ngayong Independence Day ipinaalala ng DOLE

dole

Courtesy of Wikipedia.org

Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment ang mga employer na ipakita ang kanilang pagiging makabayan sa pagbibigay ng tamang pasahod sa Hunyo a dose, araw ng kalayaan na isang regular holiday.

Ayon sa DOLE, ang mga empleyadong magtatrabaho sa araw ng kalayaan ay dapat bayaran ng tamang pasahod.

Dapat ding sundin ng mga employer ang Labor Laws lalo na ang tamang pasahod dahil ito ay nakakatulong sa pagiging produktibo ng kanilang manggagawa at ng kanilang negosyo.

Paalala pa ng DOLE nakasaad ito sa Proclamation Number 50, na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Agosto nang nakaraang taon.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *