Tanggapan ng Election officer ng Sta. Margarita sa Samar nasunog

Nasunog ang tanggapan ng Election officer ng Sta. Margarita sa Samar.

Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia completely damaged ang nasabing opisina ng Sta. Margarita.

Sa ngayon ay patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pinagsimulan ng sunog.

Tiniyak naman ni Garcia na intact lahat ng records sa nasabing tanggapan.

Maging ang mga election return kaugnay ng katatapos na BSKE wala din aniyang problema dahil marami ang kopya nito.

Madelyn Villar- Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *