Tatlo pang silver medals napanalunan ng two-time Olympian na si Elreen Ann Ando sa Wightlifting Championships sa China


Photo: Phil. Sports Comm. FB
Nagdagdag ng tatlo pang silver medals ang two-time Olympian na si Elreen Ann Ando para sa bansa, sa Asian Weightlifting Championships sa Jiangshan, China.
Nabuhat ni Ando ang 102 kgs sa snatch, 130 kg sa clean & jerk, at kabuuang 232 kilograms upang pumangalawa kay LI Shuang ng China.
Dahil sa performance ng Pinoy weighlifters, ang Pilipinas ngayon ay mayroon nang pitong silver medals sa kabuuan.
Please follow and like us: