Tatlong smuggled na luxury vehicle, nasabat ng BOC

Tatlong luxury vehicle na iligal umanong ipinuslit sa bansa ang nasabat ng Bureau of Customs sa Manila International Container Port.

Ayon sa BOC, ang nasabing shipment ng mga nasabat na sasakyan ay naka consign sa ADFINEST Marketing Corp.

Sinabi ng BOC na matapos ang ginawang eksaminasyon sa kargamento nakitang ang laman pala nito ay isang Brand New Land Cruiser, isang 2016 Nissan GTR at isang 2020 Chevrolet Camaro ZL1.

Sa kabuuan, nagkakahalaga umano ang nasabing shipment ng 16 milyong piso.Agad namang naglabas ng Warrant of Seizure and Detention laban sa nasabing shipment habang patuloy ang imbestigasyon ng BOC.

Ang pagkakasabat na ito ng mga smuggled na sasakyan ay resulta umano ng OPLAN TSEKOT ng MICP na layong mapigilan ang iligal na importasyon ng mga sasakyan sa bansa.

Madz Moratillo

Please follow and like us: