Tatlong WWII Veterans, pinarangalan ng LGU Tacloban City

Pinarangalan ng lokal na pamahalaan ng Tacloban City ang tatlong (3) World War II Veterans kasabay ng pagdiriwang ng Veterans Day ng lungsod.

Pinagkalooban ng 6,000 pesos na cash assistance at groceries na nagkakahalaga nang 4,000 pesos ang natanggap nina Ginoong Eduardo Bermudo, Ginang Teresa Malpas, at Ginang Paciencia Tripoli.

Ayon kay Acting City Tourism Officer Maria Lumen P. Tabao, ang aktibidad na ito ay paraan ng pamahalaaang lungsod upang maparangalan ang naturang beterano.

Ayon pa sa official , pinili ng lokal na pamahalaan na huwag magsagawa ng in-person program bilang pagsasaalang-alang sa kondisyon ng  kalusugan ng tatlong World War II Veterans.

Enilyn Escober

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *