Tawag pansin: Kapag ikaw ay may maintenance medication

Kapitbahay, hello! Meron na ba kayong iniinom na gamot for maintenance?


Tamang-tama, may paalala si Dr. Rylan Flores, Orthopedic Surgeon tungkol sa maintenance medication, sana ay makatulong ito sa inyo.

Ang sabi ni Doc Rylan, kaya tinawag na maintenance medication, hindi aniya ito iniinom dahil may problema, kundi iniinom ito para ma-maintain na walang problema.

Kaya may regular follow up para malaman kung tama ang timpla o inom ng maintenance medicine.

Kung sa hypertension, kung sakaling tumataas ang presyon posibleng hindi naiinom ang maintenance.

Dapat ay araw-araw na naiinom ang inyong maintenance.

Pangalawa, kung iniinom man araw-araw, pero, tumataas pa rin ang BP, kailangang magfollow up sa duktor dahil baka kulang ang dose ng gamot.

Baka kailangan ay twice o thrice a day inumin o baka kailangang palitan na ang gamot.

Sa totoo lang aniya, ang number one na kumplikasyon kapag nagkaroon ng aberya lalo na sa blood pressure, ito ay ang araw na hindi nainom ang kanilang maintenance medication.

Kaya dapat iniinom ang maintenance medication ng regular at hindi sa panahon lamang na merong problema na nararamdaman.

Kung napananatili ang normal blood pressure, halimbawa ang iniinom ay 10 mg ibig sabihin the 10 mg is doing its job.

Maaaring babaan ng doktor ang dosage kapag napapanatili o name-maintain ang BP nang maayos, subalit kapag nakita sa regular check-up na tumaas ulit ang BP puwedeng ibalik ang same dosage o baka itaas pa ito kapag lalo pang tumaas ang BP, from 10, gawing 20 or 30 mg o palitan na ang maintenance medication lalo pa nga at napakaraming klasipikasyon at dosages ng gamot para sa blood pressure.

Tandaan na iba’t ibang areas ang tinatamaan ng puso.

Muli mga kapitbahay, ang ating layunin ay makatulong sa ikapagtatamo ng maayos na kalusugan.

Sa susunod ulit mga kapitbahay!

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.