Third district Rep. Sol Aragones, naghain na ng COC para sa pagiging gobernador ng Laguna

Sinalubong ng sayaw at hiyawan ng mga taga suporta, ang paghahain ng certificate of candidacy (COC) ni 3rd district rep. Sol Aragones na tatakbong gobernador ng Laguna, sa COMELEC office sa Brgy. Halang, Calamba City.

Kasama nito ang kaniyang running mate sa pagka-bise gobernador na si Jorge “Jericho” Ejercito.

Binigyang-diin ni Aragones sa kaniyang pagsasalita sa harap ng kaniyang supporters, mga kaanak, at mga mamamahayag, ang kaniyang hangarin na pangunahan ang lalawigan ng Laguna sa kaniyang mga programang pangkalusugan, agrikultura, turismo, edukasyon at kapakanan ng senior citizens.

Makakatunggali ni Aragones ang kasalukuyang gobernador na si Ramil Hernandez sa eleksiyon sa May 2022.

Si Aragones, ay kilalang TV personality bago sumabak sa pulitika.

Ronaldo Duran

Please follow and like us: