Top 1 drug suspect, naaresto sa QC

Nadakip na ang Top 1 drug personality ng Barangay Pasong Tamo sa Lungsod ng Quezon.

Sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation ng mga tauhan ng Brgy. Holy Spirit Police Station 14, nahuli ang babaeng suspek na nakilalang si Apple Grace Jacinto Villanueva, alyas “Apple” 36 anyos.

Ayon sa mga awtoridad, habang nagbebenta ng ilegal na droga ang target na drug personality ay inaresto ito ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit.

Narekober sa suspek ang 7 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga sa 102,000 pesos, pati na rin ang buy- bust at boodle money na 5,200 pesos.

Pinangunahan ni Pol. Lt. Col. Jeffrey Bilaro ng QCPD Station 14 kasama ng ilang barangay officials, ang pag-aresto sa suspek.

Mahaharap ito sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ulat ni Yumi Sabanal

Please follow and like us: