Tracker teams para sa mga suspek sa mga missing sabungero, binubuo na ng DOJ

Bubuo ang DOJ ng tracker teams para mahanap na ang mga suspek sa pagkawala ng ilang sabungero.

Ito ang sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla matapos na makaharap muli sa DOJ ang mga pamilya ng mga missing sabungero.

Ayon sa kalihim, partikular na hahanapin ng tracker teams ang mga suspek na nakasuhan na sa hukuman.

Kabilang na rito ang sinasabing anim na guwardiya ng Manila Arena na umano’y dumukot sa anim na kalalakihan mula sa Tanay, Rizal.

Sinabi ni Remulla na bagamat may mga hinala kung sino ang utak sa pagkawala ng mahigit 30 sabungero ay kailangan ng mga ebidensya para masampahan ang mga ito ng kaso sa korte.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *