Train law, pinaaamyendahan ni Senador Lacson

Pinaaamyendahan ni Senator at Presidential aspirant Ping Lacson ang Train law para maaring suspindihin ng gobyerno ang excise tax sa mga produktong petrolyo.

Sa harap ito ng pahayag ng Department of Energy na wala silang magagawa para pigilan ang patuloy na pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo dahil dikta ito ng world market.

Pero ayon sa Senador may transitory provision sa Train law na nagsususpinde sa pagpapataw ng excise tax.

Ito’y kapag pumalo na sa 80 dollars kada bariles ang presyo ng Dubai crude pero nagpaso na ang probisyong ito noong 2020.

Meanne Corvera

Please follow and like us: