Tree planting, isinagawa sa Salay, Misamis Oriental bilang bahagi ng rehabilitation plan

Nagsagawa ng tree planting sa Barangay Tinagaan, Salay, Misamis Oriental, na pinangunahan ng Salay Municipal Planning & Development Office.

Bahagi ito ng pagsakatuparan sa National Greening Program at Safe Closure and Rehabilitation Plan, sa isinarang dumpsite.

Kabilang sa seedlings na itinanim ay ang Cherry Blossom at Hardwood, na kilala rin sa tawag na Tugas.

Kaugnay niyo ay magsasagawa ng lingguhang pagsubaybay ang ahensya, para matiyak ang paglaki ng mga naitanim na seedlings na malaking tulong sa kapaligiran sa hinaharap.

Ulat ni Laura Pobadora

Please follow and like us: