Tsunami warning sa 3 probinsya, inalis na ng PHIVOLCS

Inalis na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS ang tsunami warning sa tatlong lalawigan.

Inalis ng ahensya ang Tsunami Advisory ilang oras matapos yanigin ng 6.2 magnitude na lindol ang baybaying bayan ng Gigmoto, Catanduanes.

Sa naunang advisory ng ahensya sinabi nito na mararanasan ang “minor sea level disturbance” sa mga komunidad sa lalawigan ng Catanduanes, Northern Samar at Eastern Samar.

Pinayuhan din ang mga residente na lumayo sa mga beach at coastal areas.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *