Tubig sa San Cristobal River, sa Calamba Laguna, unti-unti nang bumababa

Unti-unti nang bumababa ang tubig sa San Cristobal river sa Calamba City Laguna matapos ang magdamagang pag ulan sa lalawigan dahil sa Bagyong Ulysses..

Hindi na rin lumikas ang mga residenteng nakatira sa tabi ng ilog kaninang umaga dahil sa pagbaba ng tubig sa ilog na nagsimula kaninang 10:00 ng umaga. 

Bahagya na ring bumababa ang tubig sa iba pang mga ilog at Creek sa Calamba Laguna dahil na rin sa paghupa ng bagyo sa lalawigan.

Bagaman humuhupa na ang tubig sa ilog ay nananatili namang nakaalerto ang mga kinauukulan dahil pa rin sa banta ng bagyong ulysses.

Ulat ni Jet Hilario

Ang San Cristobal River sa Calamba City Laguna, bahagya nang bumababa ang tubig sa ilog.
Please follow and like us: