Tugboat lumubog sa San Juan, Batangas; Kapitan at 11 tripulante , ligtas

Lumubog isang ang tugboat habang naka angkla sa Port of San Juan sa Batangas.

Sa larawang ibinahagi ng Philippine Ports Authority, makikita ang halos kalahati nalang na katawan ng barko.

Ayon sa PPA, ligtas naman ang 11 tripulante kabilang ang kapitan ng tugboat na M/TUG STRONG BRAVERY.

Nagkabutas umano sa exhaust muffler ng tugboat at nagkaroon ng sira sa hull kaya pinasok ito ng tubig hanggang sa tuluyang lumubog.

Inaalam naman ng mga otoridad kung may kumalat na langis sa karagatan dahil dito.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *