Tulong sa siyam na Pinoy na nahatulang mabitay sa Malaysia tuloy pa rin – DFA

dfa1

Courtesy of Wikipedia.org

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs na tuloy ang legal support ng Pilipinas sa siyam na Pinoy na nahatulan ng kamatayan sa Malaysia.

Ayon sa DFA, hindi pa naman pinal ang naging desisyon ng Court of Appeals ng Putrajaya, Malaysia.

Nabatid na ang mga nahaharap sa bitay ay sangkot sa Lahad Datu seige noong 2013.

Paliwanag ng ahensya, diringgin pa ng Federal Court of Malaysia ang naging desisyon ng Court of Appeals.

Sa nasabing desisyon, pinagtibay ng CA ang unang desisyon ng korte na naghahatol ng parusang bitay sa siyam na Filipino na sangkot sa Lahad Datu seige.

 

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *