Typhoon Bising, ramdam sa Naval, Biliran; ilang lugar wala nang suplay ng kuryente

Malalakas na ulan na may kasamang malalakas na hangin ang nararanasan ngayon sa Naval, Biliran dulot ng Typhoon Bising.

Dahil sa lakas ng ulan at hangin ay halos wala nang sasakyan ang bumibiyahe sa mga kalsada.

Wala na ring kuryente sa ilang lugar sa munisipalidad.

Kasama ng ilang lugar sa Visayas, ang Biliran ay nasa ilalim pa ng Signal No. 1.

Sa ngayon ay wala pa namang naitatalang pinsala sa pananalasa ng bagyo.


Vanessa Abangan, EBC Corres

Please follow and like us: