Ugnayang pang-ekonomiya sa Asean organization, balak palakasin ng Italya

Kinikilala ng Italy ang mayamang ambag ng Asean pagdating sa pagpapanatili ng Regional peace, security and prosperity sa mga bansang miyembro nito.

Dahil dito, nais ng Italya na ilapit at palakasin ang pakikipag-ugnayan at partnership nito sa Asean organization.

Sa pakikipagkita ni Italian foreign minister Angelino Alfano, sinabi nito kay Asean Secretary General Dato Lim Jock Hoi na nais din nitong paigtingin ang kooperasyon sa Asean.

Nais din ng Italya na maging bahagi ng lumalagong ekonomiya ng Asean at gusto nilang magbahagi ng mga kaalaman at expertise kung papaano pa maipo-promote ang matatag na kooperasyon at mutual interest sa Asean region.

 

Ulat ni Jet Hilario

 

===  end  ====

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *