Ulat na may pang-aabuso sa implementasyon ng batas militar sa Mindanao, sisiyasatin ng Malakanyang

abel

Courtesy of Wikipedia.org

 download
courtesy of wikipedia.org

Tiniyak naman ng Malacañang na paiimbestigahan ang ulat na may mga pang-aabuso sa implementasyon ng batas militar sa Mindanao.

Kasunod ito ng pagkondena ng Integrated Bar of the Philippines sa Lanao del Sur sa umano’y iligal na paghalughog sa mga bahay sa Marawi City at iba pang lugar sa Mindanao.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ipinauubaya na sa Department of Justice at Armed Forces of the Philippines ang pagsagot sa mga nasabing alegasyon.

Iginiit pa ni Abella na tama lamang na matigil ang mga pang-aabuso kung mapatunayang may katotohanan ang mga ito.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *